Salamat sa atensyon. . .
Hindi lang ilang beses ko na napansin na espesyal ang mga atensyon na ibinibigay mo sa akin. Pero syempre di ko lahat yun pinansin at sadyang pinalampas. Akala ko naman ako lang ang nakakakita pati pala ang ilan sa mga kaibigan natin at aking pamilya. Madaming mga pagkakataon din na ako ay nakakatanggap ng mga tukso at biro tungkol sa iyo. Hindi naman ako manhid alam ko lahat at nararamdaman ang mga tingin, pag-alala at minsan ay palihim na pangangamusta. . . .Lahat ng mga iyon naka register sa memories ko at minsan I’m trying to analyze some of them.
Bakit ako?. . .
Madami ka ng nakilala diba? Ang alam ko naman you had some relationships in the past. I heard ok naman sila lahat di ko nga alam kung ano ba ang hinahanap mo sa isang tao na mamahalin mo. Until now may isang tanong sa aking diwa na alam kong hindi magkakaroon ng kasagutan kung hindi ko mismo itatanong sa iyo. But ofcourse, I dont have the guts and the couraage to discuss it to you. Kung minsan nga tinataguan kita at iniiwasan sa mga text what more pa kung kausapin ka mismo ng personal. Pasensya na pero hanggang dito lang ang lakas ng loob ko. . .Baki nga ba ako?
Realities in life. . .
Nung minsan nakasakay kita sa jeep, akala ko nagsosolo ka lang yun pala may kasama ka, umiwas ako nun pero aaminin ko when I saw na may kasama ka inihatid ka pa sa bahay nyo, there’s a stranged feeling within me na ewan ko ba bakit ganun? Ang labo, iniiwasan kita na samahan o makita, pero ng makita kitang may kasamang iba. . .ewan ko pasensya na talaga. . .Ang labo ko no? I heard you went out of the country, di ka man lang nagpaalam sa akin o nag txt man lang na aalis ka? nagbago ka ba ng number? Tnxt kita ng mga ilang beses pero di ka man lang sumagot. . .
Kung kaya lang turuan ang puso. . .
Alam mo sa dami ng mga kantyaw at biro sa akin at mga pambubuyo ng mga kaibigan at pamilya ko, matagal na siguro na nagawa kong bigyan pansin ang presensya mo. . .Until now tinatanong ko ang sarili ko, bakit nga ba hindi ko magawang bigyan pansin ang isang tulad mo? Kung kaya lang turuan ang puso. . .Pero sana pagdating ng panahon na kaya na kitang pahalagahan at . . .mahalin. . .andyan ka pa din. . .